Tinaya sa isandaang pamilya ang apektado ng baha dulot ng malakas na ulang dala ng Habagat sa Iloilo City.
Mula sa naturang bilang halos 50 pamilya sa Barangay Calubihan, sa Jaro, Iloilo City ang nagsilikas habang ang iba ay nagsibalikan na sa kani-kanilang bahay makaraang magsimulang humupa ang baha.
Ayon sa Iloilo City Disaster Risk Reduction Management Council, bagaman hindi naapektuhan ng bagyong Maring ang Western Visayas, nananatili silang alerto sa pagbaha at pag-apaw ng mga ilog at estero dulot ng malakas na pag-ulan.
Isa sa mga tinitingnang sanhi ng pag-apaw ng mga estero at ilog ay ang hindi pa natatapos na drainage system project ng Department of Public Works and Highways.
SMW:RPE