Isinusulong ngayon ng Department Of Transportation (DOTr) na payagan mapuno ng pasahero ang mga pampublikong jeepney at bus.
Ayon kay DOTr Assisstant Secretary Mark Pastor, tinitignan nila na gawin ang pilot implementation ng dagdag na kapasidad sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila kung saan pagtutuunan nila ang percentage ng mga vaccinated individual sa isang lugar.
Dagdag ni Pastor, posibleng itaas ito sa 100% pero depende pa rin ito kung papayagan sila ng IATF kung hindi naman aniya kahit hindi 100% basta magkaroon lamang ng increase ng mga pasahero sa mga pmpublikong sasakyan.
Sa ngayon, nasa 50% lang ang kapasidad ng pasahero ng mag-jeep.
Samantala, tiniyak naman ng mga bus operators na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng mga health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at face shield sa loob ng mag sasakyan.