100 pasyente ang nakatakdang isalang sa clinical trial ng gamot ng Avigan upang alamin kung epektibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang pinakahuling report sa kongreso, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa United Nationals Office for Project Services upang makakuha ng sapat na suplay ng Avigan para sa 100 pasyente.
Ang Avigan na kilala rin sa pangalang favipiravir ay gamot sa influenza na dinevelop ng Japanese firm Fujifilm Holdings Corporation.
Ang clinical trial na gagastusan ng P18-M ay isasagawa sa Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N Rodriguez Memorial Hospital At Quirino Memorial Medical Center.
Samantala, ipinagbigay alam rin ng Pangulo sa kongreso na nagsimula na ang Philippine General Hospital sa pag-enroll ng mga pasyente na lalahok naman sa clinical trial para sa virgin coconut oil.