Hindi magagarantiya ni Pang.Rodrigo Duterte ang 100% peaceful election.
Ayon kay Pang. Duterte, posible kasi na maaring magkaroon ng isa, dalawa o tatlong mga election related incidents partikular na sa Mindanao.
Sa katunayan, sa Cotabato, kanya nang binalaan ang armadong grupo doon na hindi niya pahihintulutan ang anumang karahasan o terorismo sa panahon ng eleksyon.
Giit ng punong ehekutibo nais niyang maging mapayapa ang mga gagawing pangangampanya ng bawat kandidato.
Sinuman aniyang maghahasik ng kaguluhan ay kanya umanong personal na pupuntahan.