Ipapakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang may isandaang (100) pulis sa Quiapo bilang paghahanda sa banal na buwan ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim na magsisimula sa 26 ng Mayo.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, asahan na ang mahigpit na seguridad sa lugar lalo na sa bahagi ng Golden Mosque.
Matatandaang dalawa (2) ang nasawi habang anim (6) ang nasugatan sa kambal na pagsabog sa Norzagaray Street, malapit sa Golden Mosque.
By Ralph Obina