Pangangasiwaan ng 100 pulis ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito ayon kay Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group Director Chief Superintendent Abner Escobal ay dahil sa inaasahan mabigat na trapiko sa Commonwealth Avenue dulot ng konstruksyon ng MRT 7 na may 14 na istasyon mula North Avenue hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan.
Sinabi ni Escobal na may mga intersection na isasara sa Commonwealth Avenue para sa mga gagamiting heavy equipments.
Isa sa mga pinag-aaralan aniya nila ang pag-demolish sa concrete barriers para sa pick up at drop off zones ng mga pampasaherong bus at iba pang public utility vehicles.
Ipinabatid ni Escobal na naghahanap na sila ng alternatibong ruta para ma-decongest ang nasabing daan at nakikipag-ugnayan na rin sila sa management ng iba’t ibang subdivision malapit sa lugar.