Mayruon nang hawak na listahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga sundalong isasailalim nila sa bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo ay sa sandaling makarating na sa bansa ang nasa 600,000 doses ng bakunang Sinovac mula China.
Sa laging handa public briefing, sinabi ni Arevalo na target nilang mabakunahan ang may 100 sundalo bawat araw.
Unang isasailalim sa bakuna ang mga sundalo mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon.
Mayruon din aniyang accredited sites ng Department of Health (DOH) ang AFP sa National Capital Region, CALABARZON at Bicol Region.