Top grosser ang pelikulang “100 Tula Para kay Stella” sa Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP.
Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Bella Padilla at JC Santos.
Ayon kay Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño tumabo na ang pelikula ng nasa 60 million pesos, na halos 2/3 ng kabuuang kita ng PPP.
Nasungkit din ng 100 Tula ang Audience Choice Awards na malakas ang hakot partikular sa social media.
Sumunod sa box office ranking ang Patay na si Jesus ni Jacklyn Jose, Bar Boys tampok sina Enzo Pineda at Kean Cipriano, AWOL ni Gerald Anderson at Manananggal sa Unit 23B ni Ryza Cenon.
Umabot na sa 96 million ang kinita ng PPP mula nang magsimulang ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa noong August 16 na magtatapos naman bukas ng gabi.
AR / DWIZ 882