Sumampa na sa mahigit 75% o 236,000 active tourism worker sa bansa ang bakunado na kontra COVID-19.
Ito ang ipinagmalaki ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat batay sa pinakabagong datos kasabay ng pagtiyak na ipagpapatuloy ang pagbabakuna upang maabot ang mas mataas na vaccination coverage.
Ayon kay Puyat, hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang 100% vaccination para sa lahat ng aktibong manggagawa sa sektor ng turismo.
Hulyo nang magsimula ang COVID-19 vaccination drive ng Department of Tourism, lalo sa mga pangunahing tourist destination sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino