Inihayag ng Department of Health (DOH) na aabot sa 100 mga vial ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine ang nag-expire matapos tamaan ng bagyong Odette ang Region 6.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga bakuna ay nasira dahil kaya lamang nitong tumagal ng 30 araw sa ilalim ng temperatura na 2 hanggang 8°C kung saan, hindi agad ito na-administer dahil sa kakulangan ng mga vaccinators.
Bukod pa dito, naantala din ang ikalawang bugso ng Bayanihan, Bakunahan sa ilang lugar na naapektuhan ng bagyong Odette.
Matatandaan ding nawalan ng kuryente sa Visayas at Mindanao matapos magbagsakan ang mga poste dahil sa malakas na hangin.
Sa kabila nito, naniniwala parin ang pamahalaan na maaabot ang target 54M na pagbabakuna sa buong bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero