Bibiyahe na simula bukas, Sabado, ang 1,000 rider ng ride hailing app na Angkas.
Subalit, ayon kay Joint Task Force COVID-19 shield Chief Police Lt. General Guillermo Eleazar, libreng seserbisyuhan ng mga naturang Angkas riders ang medical frontliners.
Ang mga nasabing Angkas rider aniya ay ipapakalat sa ilang ospital tulad ng Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, East Avenue Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Jose Rodriguez Memorial Hospital, Quezon City General Hispital, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Ospital ng Maynila, Quirino Memorial Medical Center at Jose Fabella Memorial Center.
Samantala, nagdonate din ang Angkas ng 1,000 motorcycle barriers sa Philippine National Police (PNP) para magamit ng mga pulis na mayroong motorsiklo na nagsasakay din ng frontliners. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)
IN PHOTOS: 1K Motorcycle Barriers para sa mga Frontliner at PNP, tinanggap nila DILG Sec. Eduardo Año at JTF COVID 19 Shield Commander P/LtG. Guillermo Eleazar sa Kampo Crame | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/7dX9LzmiZe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 7, 2020