Aabot sa isang libong (1,000) mga bihag ng Islamist militant group na Boko Haram ang nailigtas ng Nigerian Army sa hilagang silangang bahagi ng nasabing bansa.
Batay sa ulat, karamihan sa mga nailigtas na biktima ay mga babae at kabataan na pinipilit umanong makipaglaban kasama ang grupo.
Ayon sa Nigerian Military, ikinasa ang operasyon laban sa Islamist militant group sa tulong ng kanilang karatig bansa na bumubuo sa multi-national joint task force.
Una nang naihayag ng Nigerian government na kanila nang nagapi ang Boko Haram noong December gayunman hindi pa rin naililigtas ang libu-libong mga dinukot nito.
—-