Pinuna ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang mala-usad pagong pa rin na paggasta ng gubyerno sa mahigit 18 Bilyong Pisong pondo para sa rehabilitasyon sa mga sinalanta ng super bagyong Yolanda 3 taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Recto, nananatili pa rin aniya kasi sa halos 7 Bilyong Piso ang nagagastos ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa mga proyektong nakalaan para sa mga sinalanta ng kalamidad hanggang noong Agosto.
Halos 19 Bilyong Pisong pondo ani Recto ang dapat naipamahagi ngayong taon sa 14 na ahensya ng gobyerno para sa iba’t ibang proyekto tulad ng pagsasaayos ng mga paliparan, tourism facilities at pagkakaloob ng trabaho sa mga manggagawang nawalan ng tahanan.
Dahil dito, hinimok ni Recto ang pamahalaan na maglabas ng ulat sa Nobyembre 8 ngayong taon hinggil sa mga naipatupad na proyekto ng pamahalaan sa loob ng 1,000 araw mula nang manalasa ang super bagyong Yolanda.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno