Tinatayang 1000 personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa muling pagbubukas ng klase simula Hunyo 13.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ipakakalat ang kanilang mga tauhan sa mga pangunahing lansangan sa na malapit sa mga paaralan upang magpatupad ng traffic rules at regulations at gabayan ang mga motorista.
Kabilang sa mga ide-deploy na mmda personnel ay traffic enforcer at streets sweeper na tututok sa traffic management, sidewalk clearing, anti-jaywalkng at road obstruction.
Inaasahan na anya nilang magiging maluwag ang daloy ng trapiko simula Lunes dahil pawang mga elementary at high school students pa lamang ang daragsa sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila.
Base sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 24 na milyong estudyante ang nag-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa para sa School Year 2016-2017.
By Drew Nacino
Photo Credit: Anjeline Domingo