Mahigit 1000 na pamilya ang lumikas sa Cagayan bunsod ng Bagyong Obet.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit na 6,000 katao o 2,000 pamilya ang naapektuhan ng nasabing bagyo.
Nasa 902 katao ang naapektuhan mula sa regions 1 at 2 na nasa 23 evacuation centers.
Naitala sa region 2 na may insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa habang 33 barangay ang nanatiling baha sa 6 na bayan sa Cagayan.
Samantala, bumaba naman sa alert level ng Cagayan River kahapon ng alas -12 ng hapon. sa panunulat ni Jenn Patrolla