Nasa 800 hanggang 1,000 permanent Kadiwa stores ang target na buksan ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na apat na taon.
Alinsunod ito sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kung saan inatasan niya ang mga kaukulang ahensya na gawing permanente ang lahat ng Kadiwa stores.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., nasa 230 Kadiwa sites ang kasalukuyang nago-operate sa buong bansa.
Labing pito naman ang may regular na operasyon at plano itong dagdagan kada buwan.
Dagdag pa ni Sec. Laurel, magtatakda na ang pamahalaan ng oras at operasyon ng Kadiwa stores.