Pinasasama sa panukalang 2023 National Budget ang P10,000 ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.
Sa House Joint Resolution na inihain nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, ACT teachers Rep. France Castro, at kabataan Rep. Raoul Manuel, layunin ng mga itong maglaan ng P10,000 ayuda sa 3.5 milyong mahihirap na pamilya sa ilalim ng 5.268 trillion pesos na budget.
Binigyang-diin ng mga ito ang kahalagahan na mabigyan ng tig-dalawang libong pisong ayuda ang 19.9 milyong indibidwal o 3.5 milyong pamilyang natukoy ng Philippine Statistics Authority na mahihirap.
Samantala, iminungkahi pa ng mga ito na maaaring kuhanin ang pondo sa modernization program fund ng Armed Forces of the Philippines.