Tinatayang nasa sampung libong (10,000) lugar sa buong bansa ang target na lagyan ng free internet access ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., inaasahang mabibigyan ng libreng internet service ang lahat ng rehiyon sa bansa bago matapos ang 2018.
Habang sa taong 2022 ay target ng gobyerno na maglagay ng free internet access sa may dalawang daang libong (200,000) mga lugar sa buong kapuluan.
—-