10,000 residente na ng Metro Manila ang nagpahayag ng kagustuhang mag-avail sa balik probinsya program ng gobyerno.
Ipinabatid ito ni NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. na nagsabing karamihan sa mga nais umuwi ay mga tiga Leyte, Bohol, Samar at Camarines Sur.
Ayon kay Escalada ang mga online applicant ay isasailalim sa validation at aalamin din sa kanila kung anong uri ng livelihood ang nais nilang ipursige pagbalik ng lalawigan.
Mahalaga rin aniya ang pakikapag-ugnayan sa provincial local government units para sa mga babalik sa kani-kanilang mga probinsya.