Pumapalo sa 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East ang nawalan ng trabaho.
Kasunod ito nang paghina ng ekonomiya ng ilang oil producing countries sa rehiyon matapos bumulusok ang presyo ng langis.
Bagamat bahagyang tumaas ang presyo ng krudo, hindi pa rin umano matiyak na makakabawi kaagad ang ekonomiya ng ilang bansa sa Middle East kung saan maraming Pilipino ang nagtatrabaho.
Job Orders
Inaasahang bababa din ng 10 porsyento ang job orders sa Middle East sa taong ito kabilang na ang mga seaman na nagtatrabaho sa mga oil rig.
Ayon ito kay Lito Soriano, President Emeritus ng Philippine Association of Service Exporters kasunod nang pagbulusok ng presyo ng langis.
Ipinabatid naman ni United Filipino Seafarers President Nelson Ramirez na pumapayag na ang ilang Pinoy seamen na babaan ng 40 porsyento ang kanilang sahod para lamang magpatuloy sa pagtatrabaho.
By Judith Larino