Isinusulong ng MMDA o Metro Manila Development Authority na makapagtanim ng 10,000 ‘palm trees’ sa kahabaan ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Nauna rito, nakapagtanim na ng 1,000 ‘palm trees’ ang MMDA sa NAIA Road sa Pasay City kahapon.
Katuwang ng MMDA ang Rotary Club ng San Lorenzo sa nasabing ‘tree planting activity’ na nais gawing “green metro” ang kalakhang Maynila.
Samantala, bukod sa Pasay ay balak rin ng MMDA na magtanim ng mga halaman sa Roxas Boulevard at mga kalsada sa Alabang.
By Arianne Palma