Paplantsahin na ng Pilipinas at China ang bilateral agreement hinggil sa deployment ng nasa isandaanlibong (100,000) Filipino teachers.
Ito’y sa oras na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang forum ng world leaders sa Tsina, ngayong linggo.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nangangailangan ang China ng 100,000 English teacher na maaari namang kumita ng 1,500 dollars o 78,000 pesos kada buwan.
Isa aniya sa mga issue na kinakaharap ay mayroong requirement ang Chinese government na tangi nilang i-a-accredit ay mga paaralang mag-i-issue ng certification sa mga naturang guro.
Ipinunto ni Bello na ang Pilipinas ang dapat pumili ng mga paaralan o kolehiyo na mag-i-issue ng certification.
Umaasa naman si Bello na makakausap niya ang kanyang Chinese counterpart sa sidelines ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China upang mailatag ang issue.
—-