Ipapakalat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 100,000 pulis sa araw ng eleksyon.
Ito ay para tiyaking magiging maayos at mapayapa ang halalan.
Ayon sa PNP, kabilang sa pangunahing binabantayan nila ang 37 armed groups kung saan 34 sa mga ito ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa datos, nasa 22 insidente na ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon ang naitatala ng pambansang pulisya.
Matatandaang simula Mayo 1 ay naka full alert na ang PNP bilang paghahanda sa eleksyon.