Halos 100,000 Chinese POGO workers ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ibinunyag ito ni Teresita Ang See, pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies kung saan nagsimula ang pagbabakuna ng Chinese POGO workers nuong Nobyembre na isang bagsakan lamang na 200,000 doses.
Ayon kay ang See kalagitnaan ng Disyembre ng mapaulat ang pagiging positive ng isa sa may 100,000 nabakunahan.
Binigyang diin ni Ang See na lehitimo o sa official channels nagmula ang bakuna kontra COVID-19 na itinurok sa mga Chinese POGO worker maging sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Samantala ikinatuwa naman ng Malakaniyang kung totoo ang naging pahayag ni Ang See dahil nangangahulugan itong 100,000 na ang nabawas na posibleng carrier ng coronavirus.