Napasakamay ng bansa ang panibagong supply ng COVID-19 vaccines ng Sinopharm mula sa United Arab Emirates (UAE).
Ang shipment ng 100,000 doses ng Sinopharm vaccines ay dumating sa NAIA pasado alas-2 ng hapon kahapon.
Ipinabatid ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na balak pang mag-donate ng UAE ng 500,000 doses ng Sinopharm na una nang nakatanggap ng Emergency Use Authorization sa Pilipinas noong Hunyo.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine ay mayroong efficacy rate na 79% laban sa COVID-19 at maging laban sa pagkaka-ospital.