Asahan na ang pagbabalik-trabaho ng nasa 100k unemployed Filipino sa pagbaba ng alert level 2 sa Metro Manila.
Ayon kay trade secretary Ramon Lopez, 1.8M individuals ang nawalan ng trabaho sa ipinatupad na quarantine restrictions sa bansa habang tinatayang 100K ang kasalukuyang walang trabaho.
Dahil anya sa pagbabalik-trabaho ng mga naapektuhang manggagawa, inaasahang magpapatuloy ang panunumbalik ng ekonomiya.
Gayunman, nakadepende anya sa mga establisimyento kung paano nila mapasusunod ang customers sa public health safety standards.
Epektibo ang alert level 2 sa NCR simula Nobyembre 5 hanggang 21.—mula sa panulat ni Drew Nacino