Naghatid ng tulong ang Philippine Airlines (PAL) group ng nasa tinatayang 100,000 kilo ng mga suplay para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Kasama sa mga suplay ang mga pagkain, 500 na kahon ng bottled water at iba pang mga mahahalagang pangangailangan.
Sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na ang relief items ay nagmula sa donasyon ng Tan Yan Kee Foundation, Lucio Tan Group, ibat-ibang ahensiya ng gobyerno at mga Non-Government Organizations o NGOs.
Narescue rin ng pal ang 430 na residente at mga stranded na indibidwal sa Siargao sa pamamagitan ng limang misyon ng pagsagip.
Ayon kay PAL Express President Bonifacio Sam, ang pag transporta ng relief goods at mga biktima ng bagyo ay ang paraan ng kumpanya sa pag tulong sa rescue at relief efforts ng gobyerno. —sa panulat ni Mara Valle