Aabot sa 100k turista sa isla ng Siargao ang target ng Mindanao Development Authority (MinDA) para mapabilis ang rehabilitasyon at muling pagbawi ng ekonomiya.
Ayon sa MinDA, sa tulong ng “volunturismo” program, mas mahihikayat ang mas marami pang turista na pumunta sa naturang isla.
Layunin nitong buhayin ang industriya ng turismo dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga taga-Siargao.