Tinatayang 100K Filipino Healthcare Workers ang may nakatenggang working visa sa gitna ng napakataas na demand para sa mga nurse at doktor sa Estados Unidos.
Ito ang inamin ni Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez sa harap ng matinding pagsirit ng COVID-19 cases sa Amerika.
Ayon kay Romualdez, seryosong ikinukunsidera ang pag-apruba sa visa ng mga nasabing pinoy upang magtrabaho bilang health workers sa US.
Hindi naman anya maikakailang pawang mga Pinoy Healthcare Workers ang hinahanap ng karamihan ng mga ospital sa Amerika lalo’t dumarami na naman ang mga pasyente sa kanilang mga pagamutan.
Sa kasalukuyan ay nasa 150K hanggang 200K Filipino Healthcare Workers ang nagtatrabaho sa Estados Unidos.
Nito lamang Enero 10 ay umabot sa 1.3M ang additional COVID-19 cases sa Amerika na pinakamataas na daily total sa mundo.