Isa na namang centenarian ang pumanaw nang hindi pa natatanggap ang P100,000 cash gift mula sa gobyerno alinsunod sa Centenarians Act of 2016.
Kinilala ang Centanarian na si Ignacio Ramos,101 residente ng Rosario, Batangas na pumanaw noong Setyembre 15.
Ayon kay Anacleto, kumpleto naman ang mga requirements ng kanyang Tatay pero nabigo ang Department of Social Welfare and Development na ibigay kay Lolo Ignacio ang cash gift.
Marami anyang requirement at napakahaba ng proseso ang pinagdaanan bago niya nakumpleto ang requirement noong marso.
Samantala, inamin ni DSWD spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova na hindi napabilang ang nakatatandang Ramos sa listahan ng nakatanggap ng cash gift noong isang taon at kailangan pa ng dagdag pondo.
Nangako naman si Relova na kanilang ipagkakaloob sa pamilya ni ramos ang P100,000 cash gift sa elderly Filipino week sa Oktubre.—sa panulat ni Drew Nacino