Aabot sa 101 na drivers at konduktor ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa General Santos City at Koronadal City ang nagnegatibo sa iligal na droga.
Ito ay makaraang ikasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 ang surprise random drug test sa mga tsuper at konduktor bilang bahagi ng programang Oplan: Harabas ng PDEA-12 at Oplan Byaheng Ayos Undas 2022 ng Land Transportation Office (LTO) – 12 at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – 12.
Bukod sa random drug testing, nagsagawa rin ng K9 sweeping and paneling at information dissemination ang ahensya sa integrated public terminal ng Koronadal.
Sakaling may magpositibong driver o koduktor, agad silang isasailalim sa screening test at tatanggalan ng driver’s license.