Mahigit 100 pang temporary shelters ang ibinigay ng gobyerno ng Amerika para sa mga residenteng biktima ng Marawi siege.
Ang dagdag na 104 na transitional houses ay nabuo sa pagtutulungan ng U.S. Agency for International Development (USAID)at Catholic Relief Services.
Ang mga naturang bahay ay bahagi ng mahigit P3-B tulong ng pamahlaan ng Amerika sa apektadong Marawi residents.
Bukod sa mga bahay, naiturn over din ang isang climate resilient public market na nagkakahalaga ng P4-M.
Magbibigay din ng training, equipment at iba pang pangangailangan ang USAID sa mga negosyante sa most affected area sa Marawi para tulungang muling ibangon ang kanilang mga negosyo.
Ang United Nations High Commissioner for Refugees naman ay nagbigay ng solar lanterns sa mga nabigyan ng transitional shelters.