Umabot sa 109 ang bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang single-day tally na naitala ng Department of Health simula noong April 25, 2020.
Lumagpak din sa 3,328 ang active cases na pinaka-mababa naman simula noong April 5, 2020.
Ito naman ang ika-pitong sunod na linggong walang naitalang bagong nasawi.
Sa mga naitalang bagong kaso kahapon, 52 ay mula sa NCR.