Posibleng palayain na ang 105 mangingisdang Filipino sa Indonesia na nahuli dahil sa illegal fishing sa nasabing bansa.
Ito, ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ay resulta ng pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo, noong isang linggo.
Binuksan anya ni Pangulong duterte ang issue kay Widodo na nagpahayag naman ng paborableng tugon.
Samantala, plano naman ng gobyerno ng Pilipinas na magtalaga ng technical working group na makikipagtulungan sa Indonesia upang maglatag na malinaw na polisiya hinggil sa mga Pinoy na dumaraan o napapadpad sa Indonesian territory.
By: Drew Nacino