Sinibak sa serbisyo ang nasa 105 pulis sa Police Regional Office (PRO-2) Cagayan Valley dahil sa ibat-ibang mga dahilan.
Ayon Discipline Law and Order Section (DLOS) Chief Police Major Melchor Aggabao, karamihan sa mga inalis sa puwesto ay napatunayang guilty sa Grave Misconduct at Grave Neglect of Duty o Absence Without Official Leave.
Ang iba naman ay na-dismiss, ay dahil sa pag-uugaling hindi nararapat sa isang opisyal.
Bukod pa dito, tinanggal din sa kanila ang lahat ng kanilang benepisyo sa gobyerno bilang bahagi ng internal cleansing campaign sa Philippine National Police (PNP) na nagsimula noong 2016 nang maupo si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa.