Patay sa pag-atake ang 105 sundalo sa pagitan ng borders ng dalawang bansa na kinabibilangan ng Armenia at Azerbaijan.
Ayon kay Prime Minister Nikol Pashinyan, ang naganap na pag-atake ay posibleng kagagawan umano ng Azeri troops dahil sa nais nitong pag-okupa sa teritoryo ng Armenia.
Nabatid na ito na ang pinakabagong serye ng hidwaan sa pagitan ng dalawang dating repubika ng soviet country.
Dahil dito nanawagan ang Russia at US na itigil na ang bakbakan para sa kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.