Pumalo na sa 106 na mga Barangay sa lungsod ng Caloocan ang maituturing na ‘COVID-19 free’.
Batay sa pinakahuling tala ng City Health Department, sa kabuuang 188 na mga Barangay sa lungsod, nasa 82 Barangay na lamang ang may aktibong kaso ng nakamamatay na virus.
Kasunod nito, nagpasalamat si Caloocan City Mayor Oca Malapitan sa residente ng lungsod dahil sa patuloy na pagsunod ng bawat isa sa ipinatutupad na mga health protocols kontra COVID-19.
Sa huli, nanawagan si Malapitan sa mga nasasakupan nito, na huwag magpakampante sa tumataas na bilang ng ‘COVID-19 free Barangays’ sa lungsod, dahil nagpapatuloy pa rin aniya ang banta ng COVID-19 pandemic.