Mahigit isandaang (106) karagdagang ruta ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) para sa programang libreng sakay sa Metro Manila at Rizal.
Kabilang dito ang mga ruta para sa Public Utility Vehicles (PUV) sa Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Quezon City, Taguig, Pasay, Pasig at Cainta, Rizal.
Kasama rin sa libreng sakay ang mga ruta mula sa North Luzon Express Terminal (NLET) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Samantala, nasa mahigit 49 million na pasahero na ang nakinabang sa libreng sakay ng pamahalaan mula April 11.