Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 106 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bilang, 48 volcanic tremors ang namonitor na tumagal ng 20 minuto.
Nagbuga rin ang bulkan ng 4,627 tonelada ng sulfur dioxide at plume na umabot sa 500 metro ang taas.
Sinabi ng PHIVOLCS na nananatiling nakataas ang alert level 1 sa Mount Bulusan, at posible ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions.