Gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 106 anyos na matandang lalaking tubong Aguinaldo, Ifugao na naninirahan sa Irisan, Baguio City matapos magpositbo sa naturang virus noong Oktubre 9.
Nagpagaling sa Baguio General Hospital and Medical Center sa loob ng 13 araw ang matanda at nakalabas din ng ospital nitong Martes.
Pagkalabas ng ospital ng matanda ay sinalubong ito ng dance number ng mga nurse bilang pagdiriwang sa kanyang kagalingan, laking pasasalamat naman ng anak ng pasyente sa Diyos at sa mga healthcare workers na tumulong upang gumaling ang kanyang ama.
Samantala, nakapagtala naman ang Baguio City ng kabuuang bilang na 1,094 na recoveries ,21 nasawi , 589 aktibong kaso at tinatayang 1,704 kabuuang kaso ng COVID-19. — sa panulat ni Agustina Nolasco