Posibleng umabot hanggang 10,612 ang daily covid-19 cases sa Metro Manila pagsapit ng unang Linggo ng Oktubre batay sa projection ng Department of Health.
Inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maaaring magpatuloy ang pagtaas ng covid infections hanggang Nobyembre o Disyembre.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire pawang projection pa lamang ang mga ito na ibinase sa mababang bilang ng nagpapa-booster at mga sumusunod sa minimum public health standards, pagdami ng mga tao sa labas at omicron subvariants.
Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na magpa-booster na at ugaliing tumalima sa minimum public health standards.