Tututukan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mahigit 106K polling precincts sa araw ng Halalan, Mayo 9.
Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, tutulungan ng kanilang volunteers ang mga botante sa polling centers, at maging sa pagsuri ng election returns.
Noong 2019 midterm elections aniya ay naitala ng PPRCV ang 99.995% matching rate sa physical election returns at electronically transmitted copies.
Hinimok naman ni Villanueva ang publiko na makiisa bilang volunteers o di kaya’y mag-donate ng pagkain, tubig at iba pang resources para sa kanilang mga volunteer.