Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Batay sa tala ng Cebu City Health Department (CHD), nadagdagan pa ng 107 ang COVID-19 cases sa lugar, dahilan para lumobo pa sa kabuuang 5,596 ang bilang ng tinamaan ng virus sa Cebu City.
Nadagdagan din ng 11 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa sakit, kaya naman sumampa na sa 180 ang death toll nito.
Sa kabila nito, nasa 174 naman ang mga bagong gumaling mula sa virus kaya’t pumalo na sa 2,897 ang recoveries.
Sa ngayon, nasa 2,519 active cases ang kasalukuyang ginagamot at naka-quarantine sa lungsod.
Nananatili namang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases ang Cebu City sa buong bansa, na sinundan ng Quezon City na mayroon namang 3,410 cases.
Samantala, magugunitang pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral nang enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.