Umabot na sa mahigit isang daan (107) ang mga nasawi matapos ang pag-atake sa Djugu Territory sa Central Africa simula noong 2017.
Ito ay matapos na maitala ang karagdagang 35 indibidwal na napatay sa pag-atake ng mga armadong rebelde kahapon.
Ayon kay Military Spokesperson Jules Ngongo, motibo ng grupong Cooperative for the Development of the Congo (CODECO) na salakayin ang mga pamilya na lumikas mula sa Drodro patungo sa bayan ng Djugu.
Iginiit naman ni CODECO Spokesperson Patrick Basa na sila ang nasa likod ng krimen.
Samantala, nasa ilalim ng State of Siege ang naturang teritoryo simula pa noong Mayo.—sa panulat ni Joana Luna