Isang daan at walo (108) pang Pilipino sa labas ng bansa ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dahil dito’y umakyat na sa 8,614 ang positibong kaso sa hanay ng mga Pinoy abroad.
Nasa 561 naman ang death tool matapos masawi ang pito pang pasyente.
Samantala, umakyat naman sa 5,148 ang bilang ng recoveries kasunod ng paggaling ng labimpito pang Pinoy sa ibayong dagat.