Nakapagtala pa ng halos 300 panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibang bansa ang Department Of Foreign Affairs (DFA).
Dahil dito, umakyat na sa 10,840 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino abroad na nagpositibo sa coronavirus.
Ayon sa DFA, umakyat naman sa 6,903 ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na gumaling mula sa COVID-19 matapos madagdagan ng 153 bagong recoveries.
Samantala, 5 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na mayroon nang kabuuang 793.
Nananatili naman sa Middle East/ Africa ang may pinakamataas na kaso ng mga Pilipinong nahawaan COVID-19 na mayroon ng kabuuang bilang na 7,127 kung saan 516 na ang nasawi at 4,300 ang gumaling.