Pumalo sa 109 na mga residente ng Tondo District 1 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa isinagawang rapid mass testing ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa distrito kasabay ng ipinatupad na dalawang araw na hard lockdown sa lugar.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, umabot sa halos 1,500 indibiduwal ang naisailalim sa rapid test.
Agad naman aniyang ini-isolate ang mga nagpositibong residente ng Tondo District 1 na isasailim naman sa swab test para sa kumpirmasyon.
Samantala, sa pinalahuling tala ng pamahalaan ng Maynila, umabot sa 281 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa hard lockdown kabilang na ang 25 menor de edad.
Alas-5 kaninang umaga nang matapos ang 48-oras na hard lockdown sa Tondo 1.