Ilalarga na ng Department of Agriculture ngayong araw, ang sampung libong doses na bakuna kontra African Swine Fever sa Batangas.
Ayon kay Agriculture Asisstant Secretary Dante Palabrica, ilalatag nila sa ilang bayan sa batangas ang mga rules of engagement sa pagbabakuna.
Alsinunod ito sa ‘controlled vaccination’ ng FDA, na kinakailangang sundin ng D.A. ang proseso nito.
Kabilang na ang bayan na apektado ng ASF ang Calatagan; Balayan; Lobo; San Jose; at Quezon
Samantala, magsasagawa muna ang D.A. Ng blood testing bago simulan ang pagbabakuna kontra ASF.
Paraan ito upang malaman kung aling mga baboy ang walang ASF at maaring bakunahan upang makita kung magiging epektibo ang bakuna.