Maaaring mabakunahan kontra COVID-19 ang 10,000 katao kada araw sa mega vaccination facility ng lungsod ng Marikina ayon kay Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.
Ayon sa Alkalde, may 10 istasyon ang lungsod para sa pagbabakuna na matatagpuan sa Marikina Sports Complex sa Barangay Sta. Elena at malapit rin aniya ito sa paglalagakan ng bakuna kaya magiging mas madali ang transportasyon.
Dagdag pa ni Teodoro, mayroon ding monitoring facility ang Marikina na malapit sa mga ospital kung saan pwedeng mabigyan ng paunang lunas ang sinomang makararanas ng side effect matapos mabakunahan laban sa COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco