Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nasa mahigit 10K Overseas Filipino Workers (OFWs) ang patuloy na nagtatrabaho sa Russia sa gitna ng patuloy na pananakop nito sa Ukraine.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, sa kabila ito ng mga sanction na ipinataw sa Russia kung saan, walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang bakbakan at pagsalakay nito sa Ukraine.
Sinabi ni Olalia na habang tumatagal ang sagupaan ng dalawang bansa, mas lalong dumarami ang OFWs na apektado, partikular na ang mga Pinoy sa Russia na karamihan ay mga domestic workers.
Iginiit ni Olalia na hindi madali ang repatriation sa mga Pinoy workers dahil sa pagsiklab ng gulo kung saan nasa kalahating milyong residente ang nawalan ng suplay ng kuryente, tubig at pagkain sa Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero